Wednesday, November 7, 2018

Silid-aralan


Silid-aralan



Noong unang pagpasok sa paaralan
Di inaasahang kayo'y madadatnan
Mga taong makukulit pero masasayang kasama
Mga taong maaasahan kapag ako'y may problema
Sa loob ng silid aralan
Puro tawanan ang napapakinggan
Kantyawan at asaran
Pero walang nagkakapikunan

Minsan sa atin ay may nagkakainisan
Ngunit hindi nagtatagal ito'y magkakaayos din naman
Mga batang pasaway na madalas pagalitan
Mga estudyanteng suki na sa guidance

Ingay dito, away doon
Kantahan dito, tsismisan doon
Tayo'y madalas pagalitan
Dahil sa ginagawang kaingayan

Kung tayo'y walang guro
Marami sa atin ay naglalaro
Ngunit ang iba naman
Libro at gitara ang pinagkakaabalahan

Magkaka iba man tayo ng ugali
Ngunit ang ating inaasam ay iisa lamang
Makapagtapos ng pag-aaral
At makamit ang ating mga pangarap

Sa araw ng ating pagtatapos
Ating pagkakaibigan hindi matatapos
Mananatili ito sa ating nga puso
Hanggang sa huling pagtibok nito


Silid-aralan

Silid-aralan Noong unang pagpasok sa paaralan Di inaasahang kayo'y madadatnan Mga taong makukulit pero masasayang kasama Mga ta...